Magsasaka sa India 40 taon nang hubot hubad dahil sa isang rare skin condition - TomoNews

TIP: Right-click and select "Save link as.." to download video

Initializing link download... Initializing link download.....

RAJPUR VILLAGE, INDIA — Si Subal Burman ay isang cuarentaytres anos na lalaki sa isang nayon sa West Bengal, India. Siya ay may dysaesthesia, isang rare skin condition.

Dysaesthesia ay isang masakit na pakiramdam pag ang isang tao ay nahipo, ito ay sanhi ng pagkasira ng peripheral nerves. Ang simpleng hipo ay parang tusok ng karayom, paso, kiliti, o paggapang ng insekto.

Sabi ni Subal ay nasasaktan siya ng lubusan pag ang nahipo ng damit ang balat niya. Simula noong bata siya, nasusunog ang balat niya pag siya ay pinilit magsuot ng damit. Ni hindi rin siya makatulog namay kumot dahil ang na-a-allergy siya sa tela.

Magisa nakatira sa isang sakahan si Subal kasama ang kanyang mga animal friends. Ang mga kapitbahay niya ay sanay na sa pag-burles ni Subal at alam ang kalagayan iya. Sabi rin ni Subal na sanay na din ang mga tao sa mga kalapit na nayon sa kanya.

Ayon kay Subal nahihirapan siya sa tag-init ng summer. Tuwing summer daw ay napipilitan siya maligo ng ilang beses sa isang baraw para ma-kalma ang kanyang napaka sensitibong balat.

Pero nalulungkot ang magsasaka dahil ito rin ang dahilan na bakit hindi siya makahanap ng asawa. Wala daw pamilya na papayagan ang anak nilang babae na magpakasal sa taong tulad niya.

Sabi ni Subal na baka siya ay espesyal sa paningin ng diyos at hindi niya kinasusuklaman ang kondisyon niya, kahit siya ay hindi na magka-asawa.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH