Salbaheng ‘rich kid’ binunggo ang matanda sa pamamagitan ng kanyang BMW - TomoNews

TIP: Right-click and select "Save link as.." to download video

Initializing link download... Initializing link download.....

JIANGSU, CHINA — Ang salitang “road rage” ay nagsimula noong 1980’s. Pero ito ay walang translation sa Tagalog. Pero meron din tayong “road rage” sa Pinas.

Sa China, ito ay mas grabe pa.

Kamakailan lang sa Jiangsu, China, isang mayabang na bente anos na lalaki ay pinark ang kanyang BMW sa gitna mismo ng kalsada at hinarangan lahat ng kotse sa likod.

Isang matandang lalaki na nakapulang t-shirt ay lumabas at pinagalitan niya ang binata. Pumasok ang binata sa kotse niya pero imbis na umalis, hinataw niya ang gas ng kanyang BMW at binangga niya ang matanda.

Tapos ay sumigaw ang antipatikong binata na nakaharang ang katawan ng matanda sa kalye at kailangan niyang tumabi o sasagasaan niya ito. Buti nalang may mga ibang tao na tumulong sa matanda at inawaya ng binata.

May mga tao talaga na hindi pwede maging mayaman.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH